Mga Tips:
1. Mag-Invest muna sa sarili bago ka mag invest sa market. Mag-aral muna para maka-buo ng iyong strategy. Bumasa ng mga librong patungkol dito Tandaan: Ang bagay na nakukuha ng madalian ay hindi magtatagal, maginvest sa sariling kaalaman
2. Mag-practice muna at testingin ang iyong strategy sa virtual trading
3. Depende sa iyong stratehiya, mag invest lamang sa mga companya na pataas ang 'trend'. Piliin ang mga companya na malaki ang growth potential.
4. Iwasan ang pag-sunod sa mga tips at rumors na walang basihan, mas mabuting gawin ang sarili mong research.
5. Mag Invest lamang ng budget na kaya mong i-risk sa stocks, hindi laging panalo, kailangan matuto rin tayo i control ang ating risk or downside.
6. Tignan ang investagrams.com para sa mga updates sa Technical analysis at news at gumamit ng mga tools nila dito na makakatulong sa iyong pag invest.
7. Magkaron ng patience sa stock market, ang pag-akyat ng presyo ay hindi nangyayari sa isang araw.
No comments:
Post a Comment